Hinihinging P1 provisional fare hike ng jeepney drivers at operators, suportado ng Commuter Group

by Radyo La Verdad | September 15, 2023 (Friday) | 3775

METRO MANILA – Suportado ng National Center for Commuters Safety and Protection sakaling aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P1 provisional fare sa mga jeep.

Ayon sa Presidente nitong si Elvira Medina, hindi rin naman aniya talaga maiiwasan ang taas pasahe sa jeep lalo pa’t sunod-sunod na ang pagtaas ng presyo ng Diesel.

Kung hindi aniya tataas ang pasahe, baka lalo pang bumagsak ang industrya ng transportasyon dahil sa pagkalugi ng mga driver at operator.

Kapag nangyayari  ito, lalo pang mababawasan ang mga jeep na pwedeng sakyan ng mga commuter  araw-araw.

Tags: ,