Ikalawang drug test sa Bulacan massacre suspect, hindi na kailangan – PNP

by Radyo La Verdad | July 3, 2017 (Monday) | 702


Nilinaw ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na hindi na kailangang isailalim pang muli sa drug test ang suspect sa masaker sa Bulacan.

Ayon kay Dela Rosa sa kabila na negatibo sa illegal drugs ng suspect, hindi ito nangngahulugan na hindi siya gumagamit ng shabu.

Sinabi ni General Dela Rosa na ayon sa kanilang chemist, hindi na maaaring ma trace ang droga sa katawan ng isang tao makalipas ang ilang araw.

Hindi rin makikitaan ng bakas ng ipinagbabawal na gamot ang isang tao kung malakas ang metabolismo nito at kung hindi nito naaabot ang required potency level ng isang droga.

Mayroon namang ilang nagmumungkahi na isailalim sa blood test ang suspek subalit nanindigan si Dela Rosa na hindi na ito kailangan.

Tags: , ,

Leave a Reply