Ikalawang most wanted mafia boss sa Italy, naaresto

by Radyo La Verdad | June 28, 2016 (Tuesday) | 734

ITALY
Naaresto na ng mga pulis ang ikalawa sa mga most wanted mafia boss sa Italy.

Si Ernesto Fazzalari na mula sa notorious group na ‘ndrangheta, na pinakamayaman at pinaka makapangyarihang criminal organization sa bansa ay nahuli sa isang remote at bulubunduking bahagi ng Calabria region.

Ayon sa mga pulis maituturing na historic ang pagkakaaresto kay Fazzalari na tinugtugis nila noong pang 1996

Si Fazzalari, 46 years old ay nahaharap sa mga kasong murder, mafia crimes, drug trafficiking at robbery at illegal possession of weapons.

(UNTV RADIO)

Tags: , ,