Ilang bahagi ng Hagonoy, Taguig, mawawalan ng suplay ng tubig

by Radyo La Verdad | May 2, 2017 (Tuesday) | 4063


Mawawalan ng supply ng tubig ang ilang bahagi ng Barangay Hagonoy sa Taguig City mamayang gabi.

Batay sa advisory ng Manila Water, ito ay dahil magsasagawa sila ng valve installation sa bahagi ng Cuasay street.

Magsisimula ang water interruption mula alas dies mamayang gabi hanggang alas-cuatro ng madaling araw bukas.

Pinapayuhan ang mga apektadong residente na mag-ipon na ng tubig.

Tags: , , ,