Sapat na suplay ng kuryente sa buong panahon ng tag-init, tiniyak ng Meralco

by Radyo La Verdad | March 21, 2019 (Thursday) | 2880

METRO MANILA, Philippines – Tiniyak ng Manila Electric Company o Meralco na mayroong silang sapat na suplay ng kuryente para sa mga customer sa buong panahon ng tag-init.

Ginawa ng utility company ang pahayag sa gitna ng sunod-sunod na abiso ng power interruption na mararanasan ng kanilang mga costumer.

Ayon sa Meralco regular maintenance lamang ang dahilan ng mga naka-schedule na brownout at wala itong kinalaman sa kakulangan ng suplay ng kuryente.

Regular umano nila itong ginagawa upang maisaayos ang mga distribution facilities, pati na ang pagkukumpuni sa mga sirang poste at pagpapalit ng mga depektibong kawad ng kuryente.

Tags: , , ,