Ilang bahagi ng Marikina, Makati, Mandaluyong at Rizal, mawawalan ng tubig

by Radyo La Verdad | September 1, 2016 (Thursday) | 4847

MAYNILAD
Mawawalan ng supply ng tubig ang ilang bahagi ng Marikina, Makati, Mandaluyong at Rizal.

Batay sa advisory ng Manila Water, mula alas diyes mamayang gabi hanggang alas sais ng umaga bukas tatagal ang water service interruption sa Sunrise Street ng Antipolo, Rizal gayundin sa ilang bahagi ng Loyola Grand Villas sa Marikina.

Alas nuwebe naman ng gabi hanggang ala sais ng umaga mawawalan ng tubig ang mga residente sa Barangay Barangka Ilaya, Barangka itaas at barangay malamig sa Mandaluyong.

Alas onse ng gabi hanggang ala singko ng madaling araw naman ang water interruption sa bahagi ng Banaba sa San Mateo, Rizal.

Habang alas otso ng gabi hanggang ala siyete ng umaga naman sa Barangay 881, 882, 883 at 874 sa Sta.Ana, Manila.

Gayundin sa Barangay Tejeros, Kasilawan, Carmona, Olympia, Valenzuela, Guadalupe Viejo at Barangay Poblacion sa Makati City.

Tags: , , ,