Ilang bahagi ng Metro Manila, mawawala ng supply ng tubig

by Radyo La Verdad | August 4, 2016 (Thursday) | 999

WATER
Ilang lungsod sa Metro Manila ang makararanas ng water service interruption.

Batay sa abiso ng Manila Water, mawawalan ng supply ng tubig sa ilang bahagi ng Tumana, Marikina mula mamayang alas diyes ng gabi hanggang alas sais ng umaga bukas.

Habang tatagal naman ng hanggang ala-singko ng umaga ang water service interruption sa bahagi ng Barangay Forune.

Sa San Juan naman, mula alas nuwebe ng gabi hanggang alas sais ng umaga mawawalang ng tubig ang mga taga-Greenhills.

Sa New Lower Bicutan naman sa Taguig, magsisimula ang water interruption ng alas diyes ng gabi hanggang alas kwatro ng madaling araw.

Samantala sa Quezon City, mawawalan ng tubig ang mga taga Old Balara bandang alas onse ng gabi hanggang alas dos y media ng madaling araw.

Apektado naman ang ilang bahagi ng Loyola Heights at Botocan ng water interruption mula alas onse ng gabi hanggang alas tres y media ng madaling araw.

Tags: ,