Ilang bahagi ng Taguig at Antipolo, mawawalan ng supply ng tubig

by Radyo La Verdad | November 16, 2016 (Wednesday) | 7785

water
Mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Taguig at Antipolo City.

Sa abiso ng Manila Water, apektado ng isasagawang line maintenance simula mamayang alas dies ng gabi hanggang bukas ng alas kuwatro ng madaling araw ang Barangay Katuparan sa Taguig City.

Samantala sa Biyernes naman ng ala una hanggang bago mag-alas kwatro ng madaling araw nakatakda ang water service interruption sa ilang bahagi ng Barangay Lower Dela Paz, sa Antipolo Rizal.

Tags: ,