Ilang bahagi ng Q.C., mawawalan ng supply ng kuryente

by Radyo La Verdad | April 17, 2017 (Monday) | 1811


Mawawalan ng supply ng kuryente ang ilang bahagi ng Quezon City sa darating na Linggo.

Batay sa abiso ng MERALCO, ipatutupad ang power interruption sa pagitan ng alas nuebe ng umaga at alas tres ng hapon.

Apektado nito ang bahagi ng Road 2 mula Don Mariano Marcos Avenue sa Commonwealth kabilang na ang Calderon Compound sa Barangay Old Balara.

Ito ay dahil sa isasagawang maintenance works ng MERALCO sa naturang barangay.

Tags: ,