Singil sa kuryente ng Meralco tataas ngayong Setyembre

by Radyo La Verdad | September 8, 2023 (Friday) | 5974

METRO MANILA – Magpapatupad ng dagdag singil sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Agosto.

Ayon sa power distributor, tataas ng P0.50 per kilowatthour ang singil sa kuryente dahil nagmahal ang presyo ng generation charge, bunsod ng paghina ng palitan ng piso kontra dolyar.

Nangangahulugan ito na tataas ng P100 ang babayarang bill sa kuryente ng mga customer na umaabot ng 200 kilowatt hour ang konsumo.

Dagdag na P150 kung 300 kilowatt hour, P200 kung 400 kilowatt hour, at P250 kung 500 kilowatt hour ang konsumo sa kuryente.

Tags: ,