Ilang bahagi ng Rizal, Mandaluyong at San Juan, mawawalan ng supply ng tubig

by Radyo La Verdad | October 27, 2016 (Thursday) | 5008

water
Apektado ng water service interruption ng Manila Water ang ilang lugar sa Metro Manila at Rizal.

Mula alas dies mamayang gabi hanggang alas tres ng madaling araw bukas, mawawalan ng supply ng tubig ang ilang bahagi ng Barangay San Isidro sa Antipolo, Rizal.

Tatagal naman hanggang alas sais ng umaga ang water service interruption sa Barangay Ilaya sa Mandaluyong City.

Samantala ang ilang bahagi ng Barangay Maytunas, Batis at Kabayanan sa San Juan City ay mawawalan ng supply ng tubog mula alas otso y medya ng gabi hanggang alas kwatro y medya ng madaling bukas.

Pinapayuhan ang mga residente sa apektadong lugar na mag-ipon ng tubig upang hindi maabala.

Tags: , ,