Ilang kumpanya ng langis, may dagdag-bawas sa presyo ngayong araw

by Jeck Deocampo | December 11, 2018 (Tuesday) | 5265

METRO MANILA, Philippines – Matapos ang walong linggong price rollback, may dagdag-bawas naman sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.

 

Epektibo kaninang alas-6 ng umaga ang pagpapatupad  ng ₱0.40 na dagdag sa presyo kada litro ng gasolina ang Petron, Shell, Seaoil at Flying V. May rollback naman na ₱0.10 sa bawat litro ng kanilang diesel at ₱0.45 sa kerosene.

 

Kaparehong price adjustment din ang ipatutupad ng Total, Jetti, PTT, Phoenix, Caltex, at Petro Gazz sa gasolina at diesel ngunit walang magiging paggalaw sa presyo ng kanilang kerosene.

 

Ang oil price adjustment ay kaugnay ng paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Tags: , , , , , , , , , , , ,