Ilang kumpanya ng langis, may oil price hike ngayong araw

by Jeck Deocampo | January 8, 2019 (Tuesday) | 3052

METRO MANILA, Philippines – Sa unang pagkakataon ngayong taon ay magpapatupad ng oil price hike ang ilang kumpanya ng langis. Epektibo alas-6:00 ng umaga ngayong araw ay may dagdag na ₱.80 sa kada litro ng gasolina ang Shell, Petron, Caltex, Seaoil at Flying V.

₱.70 naman ang madadagdag sa presyo kada litro ng diesel at ₱.40 sa kerosene.

Kaparehong halaga rin ang madadagdag sa halaga ng gasolina at diesel ng Petro Gazz, PTT Philippines, Unioil, Total, Jetti, Eastern at Phoenix Petroleum. Ngunit walang paggalaw sa halaga ng kanilang kerosene.

Ang oil price hike ay dahil sa paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Tags: , , , , , ,