Ilang kumpanya ng langis, may oil price rollback ngayong araw at bukas

by Radyo La Verdad | November 5, 2018 (Monday) | 3175

Sa ikaapat na sunod na linggo ay magpapatupad ng oil price rollback ang ilang kumpanya ng langis.

Noong Sabado ay una nang nagpatupad ng one peso at ten centavos na bawas sa presyo kada litro ng gasolina ang Phoenix Petroleum.

One peso sa diesel habang wala namang paggalaw sa kerosene.

Kaparehong halaga naman ang ipatutupad na rollback ng Eastern Petroleum, Petro Gazz  at Seaoil kaninang ala sais ng umaga

Liban na lamang sa Seaoil na may 65 centavos rollback sa kerosene.

Samantala, bukas naman ng alas sais ng umaga ay magpapatupad ng rollback ang Shell, PTT Philippines at CPI o Caltex.

Piso sa gasoline, piso rin sa diesel ang PTT at CPI o Caltex, habang 90 centavos ang rollback ng shell sa diesel at 65 centavos sa kerosene.

Ang oil price rollback ay dahil sa patuloy na paggalaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa international market.

 

Tags: , ,