Ilang kumpanya ng langis, may panibagong big time oil price rollback

by Radyo La Verdad | October 29, 2018 (Monday) | 2204

May panibagong big time oil price rollback ang ilang kumpanya ng langis ngayong linggo.

Una nang nagpatupad noong Sabado ng one peso and sixty-five centavo na bawas-presyo sa kada litro ng gasolina ang Phoenix Petroleum at sixty centavos naman sa diesel. Ngunit walang paggalaw sa halaga ng kerosene.

Sinundan naman ito kahapon ng rollback ng Jetti Petroleum sa kaparehong halaga.

Ngayong araw naman, epektibo alas sais ng umaga ay may one peso and sixty centavos per liter na bawas-presyo rin sa halaga kada litro ng gasolina ng Petron, Shell, Caltex, Flying V at Seaoil.

Sixty centavos din sa diesel at sixty-five centavos naman kerosene.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo na nagkaroon ng big time oil price rollback.

 

Tags: , ,