Ilang kumpanya ng langis, nagpatupad ng panibagong oil price hike

by Radyo La Verdad | September 12, 2017 (Tuesday) | 91

Sa ikalawang pagkakataon ngayong buwan ay nagpatupad ng dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis.

Kwarenta y singko sentimos ang itinaas ng halaga kada litro ng gasolina ng Petron, Shell, Flying V at Seaoil. Piso at trenta sentimos naman sa diesel at nobenta sentimos sa kerosene.

Kaparehong halaga rin ang ipinatupad na price hike sa gasolina at diesel ng Unioil, Eastern, Phoenix Petroleum at PTT Philippines.

Ngunit walang naging paggalaw sa halaga ng kanilang kerosene.

 

Tags: , ,

Leave a Reply