Ilang kumpanya ng langis, nagrollback sa presyo ng diesel at kerosene

by Radyo La Verdad | March 28, 2017 (Tuesday) | 2902


Nagrollback ang presyo ng diesel at kerosene ng ilang kumpanya ng langis ngayong araw.

Dalawamput limang sentimos ang nabawas sa kada litro ng diesel ng Shell, Petron, Seaoil at Flying V.

Kinse sentimos naman ang ibinaba sa presyo ng bawat litro ng kerosene ngunit walang naging paggalaw sa halaga ng gasoline.

Samantala nagpatupad din ng bente singko sentimos na rollback sa diesel ang kumpanyang Total, Jetti, Eastern Petroleum at Unioil.

Tags: , , , ,