Ilang lugar, nagdeklara ng class suspension dahil sa Bagyong Henry

by Radyo La Verdad | July 16, 2018 (Monday) | 1989

Nag-anunsyo ng walang pasok ngayong araw ang ilang lokal na pamahalaan dahil sa sama ng panahon na dulot ng Bagyong Henry.

Kabilang sa mga walang pasok sa lahat ng antas, pribado at pampubliko ay ang Barangay Dampalit sa Malabon City, Mariveles, Morong, Hermosa, Dinalupihan Sa Bataan City, Bacoor, Tanza, Rosario, Kawit, at Cavite City sa Cavite.

Nagkansela din ng klase ang ilang bayan sa Occidental Mindoro kabilang dito ang Abra de Ilog, Mamburao,

Samblayan at preschool to high school sa Calintaan.

Tags: , ,