Ilang lugar sa Luzon mawawalan ng suplay ng kuryente sa Nov 11-17 – Meralco

by Erika Endraca | November 11, 2019 (Monday) | 6942

METRO MANILA – Pansamantalang mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang lugar sa Metro Manila at karatig na lalawigan simula Ngayong Araw (Nov. 11) hanggang sa Linggo November 17.

Base sa anunsyo ng Meralco, magsasagawa sila ng pagkukumpuni sa mga ilang linya ng kuryente. Kabilang sa mga lugar na makararanas ng brown out ay ang Quezon City, Bagong Silang- Kaliwa at Camarin sa Caloocan City; Sampaloc, Tondo at Sta Mesa sa Maynila; Manuyo II sa Las Piñas at San Isidro sa Parañaque City.

Pansamantala ring mawawalan ng kuryente sa San Jose Del Monte City, San Miguel, Baliwag Sa Bulacan at Candaba Pampanga. Gayundin Tagaytay, Dasmariñas at Silang City maging sa Indal, Kawit, Maragondon, Naic, Ternate sa Cavite at Calauan Laguna.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: