Ilang mga plataporma ni first district of Leyte Congressman Martin Romualdez, inihain sa media

by Radyo La Verdad | October 13, 2015 (Tuesday) | 2144

joms_romualdez
Ngayong opisyal ng kandidato sa pagka senador sa bansa si Congressman Martin Romualdez ng first district of Leyte, ibinahagi niya sa media ang kaniyang mga plataporma gaya ng makatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa, mabigyan ng regular na mapapasukan at hanap buhay ang mga mahihirap, mababang presyo ng bilihin,abot kayang de kaledad na edukasyon at pangangalagang pangkalusugan, sapat na pondo at mabilisang pagbangon sa tuwing may darating na matitinding kalamidad sa bansa.

Ayon kay Congressman Romualdez, panahon na upang maranasan ng taong bayan ang bagong mukha na maglilingkod na galing sa pinakamahirap na rehiyon sa bansa, ang region 8 na madalas hagupitin ng malalakas na bagyo.Dagdag pa ni Romualdez na mahigit 60 taon ng walang Rep. ang region 8 sa lahat ng nakalipas na senatorial elections.(Joms Malulan/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , ,