Ilang probinsya sa Northern Luzon, nakakaranas na ng makulimlim na lagay ng panahon

by Radyo La Verdad | September 14, 2018 (Friday) | 656

Nakararanas na ng malakas na hangin ang munisipalidad ng Pagudpod sa Ilocos Norte.

Mamayang alas singko ng hapon ay magpapatupad na ang munisipalidad ng force evacuation sa mga residenteng nasa coastal areas.

Ang probinsya ng Abra at munisipalidad ng Magsingal sa Ilocos Sur ay nakararanas na rin ng pagkulimlim na panahon.

Gayundin ang Baler, Aurora ay may mga pag-ulan na ring nararanasan.

Naka-full alert status na ang walong bayan sa lalawigan ng Aurora dahil sa inaasahang pananalasa ng Bagyong Ompong.

Tags: , ,