Isang pang grupo ng mga sundalo, umalis na sa Marawi

by Radyo La Verdad | October 25, 2017 (Wednesday) | 2839

Isa pang grupo ng mga sundalo ang umalis sa Marawi City ngayong araw pabalik ng Metro Manila. Kinabibilangan ito ng Special Forces at Scout Rangers na sumabak sa mismong frontline ng bakbakan.

Iginiit naman ni Task Force Vector Commander Brigadier General Corleto Vinluan na sa pagkakapuksa sa mga terorista, nabigyan nila ng hustisya ang sinapit ng mga residente ng Marawi City.

Sinabi naman ni Western Mindanao Command Chief Lueitenant General Carlito Galvez na napatay sa bakbakan ang 7 magkakapatid na Maute at all accounted din ang mga miyembro ng Abu Sayyaf na nagpunta ng Marawi City para tumulong sa Maute ISIS group.

Ayon kay Galvez,  pinatututukan naman nito ang paghahabol sa ilang nakatakas na mga bandido sa kasagsagan ng labanan.

 

Tags: , ,