Mga naturuan ng umano’y napaslang na bomb expert ng Maute-ISIS group, mahigpit na binabantayan ng otoridad

by Radyo La Verdad | October 3, 2018 (Wednesday) | 5913

Matagal nang minomonotor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang napaslang na bomb expert ng Maute-ISIS group na si Hadji Laut Mambuay alyas Mercury noong linggo.

Ayon kay LTC Bernardo Taqueban, commanding officer ng 4th Mechanize Infantry Battalion, nanlaban si Mambuay at bilang katunayan nito ay ang bilang din ng mga sundalong namatay sa operasyon.

Hindi naman inaalis ng mga otoridad ang posibilidad na may naturuan si Mambuay sa paggawa ng bomba.

Bunsod nito, mahigpit nilang binabantayan ang mga residente ng naturang lugar.

Patuloy din ang panawagan ng PNP-Tagoloan na maging alerto at maging mapagmatyag sa paligid at agad magsumbong sa mga otoridad anomang kahina-hinalang tao o bagay.

 

( Weng Fernandez / UNTV Correspondent )

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,