METRO MANILA – Muling hinimok ng isang grupo ng mga jeepney drivers at
operator ang korte suprema na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO)laban sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicle (PUV) modernization program ng
pamahalaan.
Ayon sa Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), kailangan nang aksyonan ng Supreme Court ang kanilang hiling na TRO lalo’t ilang araw na lamang bago ang itinakdang deadline ng franchise consolidation sa April 30.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior na hindi na palalawigin pa ang deadline.
Simula May 1, ituturing nang kolorum at pagbabawalan nang pumasada ang mga jeep na hindi nakasama sa consolidation ng prangkisa sa ilalim ng mga korporasyon at kooperatiba.Disyembre pa ng nakaraang taon inihain ng PISTON ang kanilang petisyon para sa TRO pero wala pang aksyon dito ang Supreme Court.