Justice Henri Paul Inting, pinakabagong Mahistrado ng Korte Suprema

by Radyo La Verdad | May 29, 2019 (Wednesday) | 19419
Courtesy: Supreme Court of the Philippines

METRO MANILA, Philippines – Nanumpa na bilang bagong Mahistrado ng Korte Suprema si Justice Henri Jean-Paul Inting.

Si Inting ang pampito sa mga itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Supreme Court.

Inaasahang apat pang Mahistrado ang maitatalaga ng Pangulo sa Supreme Court dahil nakatakdang magretiro sina Chief Justice Lucas Bersamin at Senior Associate Justice Antonio Carpio sa darating na Oktubre.

Sa Hulyo at Setyembre naman mababakante nina Justices Mariano Del Castillo at Francis Jardeleza ang kani-kanilang pwesto

(Mai Bermudez | UNTV News)

Tags: ,