Kampo ni dating BOC Chief Faeldon, hinamon ang ilang Senador na maglabas ng ebidensya sa alegasyon ng korapsyon

by Radyo La Verdad | September 13, 2017 (Wednesday) | 2282

Nananatiling nakadetine sa isang kwarto sa Senado si dating Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon. Ayon sa abugado nito na si Attorney Jose Dino, tutol si Faeldon na gumawa ng legal actions tungkol sa kaniyang boluntaryong pagpapadetine. Mas ninanais aniya ito ng marine captain kaysa humarap sa pagdinig.

Hinamon rin ng kampo ni Faeldon ang ilang senador partikular na si Senator Panfilo Lacson na magpakita ng ebidensya sa alegasyon na tumanggap ito ng tara o welcome gift na nagkakahalaga ng 100 million pesos.

Nirerespeto naman ni Blue Ribbon Committee Chairperson Senator Richard Gordon ang sentimiyento ni Faeldon. Ngunit mas mabuti aniyang huwag na itong magmatigas na humarap sa pagdinig.

Itinakda ang susunod na pagdinig ng komite sa September 19 kaugnay ng korapsyon sa Bureau of Customs.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

 

 

 

 

 

Tags: , ,