Klase sa lalawigan ng Cagayan, suspendido ngayong araw dahil sa bagyong Odette

by Radyo La Verdad | October 12, 2017 (Thursday) | 188

Suspendido na ang klase sa lalawigan ng Cagayan dahil sa bagyong Odette.

Walang pasok sa buong lalawigan mula pre-school hanggang senior high school sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan.

Simula pa kagabi hanggang ngayong umaga ay nakararanas na ng mga pag-ulan sa Cagayan province.

Samantala, suspendido naman ang klase sa pre-school sa mga lalawigan ng Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province at Ifugao.

 

 

Tags: , ,

Leave a Reply