Klase sa mga paaralan sa Surigao City ngayong araw, suspendido

by Radyo La Verdad | February 13, 2017 (Monday) | 1019


Wala munang pasok sa mga paaralan sa buong Surigao City ngayong araw.

Ito ay dahil sa naging pinsala sa mga paaralan ng magnitude 6.7 na lindol na yumanig sa Surigao del Norte at iba pang karatig probinsya noong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Surigao del Norte Vice Governor Arturo Egay, kailangan munang matiyak na ligtas na gamiting muli ang mga classroom.

Tags: ,