Kongreso, magsasagawa ng special session sa sabado upang talakayin ang martial law extension

by Radyo La Verdad | July 18, 2017 (Tuesday) | 1014


Nakatakdang magsagawa ang Kongreso ng isang special session sa sabado upang talakayin ang martial law extension.

Ito ang inanunsyo kagabi ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas matapos imbitahan ng Malakanyang ang ilang mambabatas para sa isang pagpupulong kaugnay sa nalalapit na pagtatapos sa July 22 ng umiiral na batas militar sa Mindanao.

Gayunman hindi nito sinabi kung gaano katagal nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang martial law o kung palalawakin o babawasan ang nasasakop nito.

Samantala, una nang sinabi nina Deputy Speakers Gwendolyn Garcia at Fredenil Castro na susuportahan ng Kamara ang extension ng martial law sakaling hilingin ito ng pangulo.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,