Kopya ng tokhang reports, ipinabibigay ng Supreme Court sa mga petitioner

by Radyo La Verdad | April 3, 2019 (Wednesday) | 1283

Malacañang, Philippines – Nanindigan ang Malacañang na susundin ng Duterte Administration ang rule of law. Ito ang reaksyon ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo nang tanungin hinggil sa utos ng Korte Suprema sa Office of the Solicitor General na ilabas ang lahat ng ulat hinggil sa Oplan Tokhang ng Philippine National Police.

Dagdag pa ng opisyal, handa itong sundin ng tanggapan ng SolGen liban na lang kung baliktarin ng Supreme Court ang desisyon nito at katigan ang anumang ihahaing motion for consideration.

Kabilang sa mga pinabibigyan ng Oplan Tokhang report ang Center for International Law at ang Free Legal Assistance group.

Tags: , , ,