Special permit na ipinagkaloob ng LTFRB sa mga public utility bus hanggang ngayong araw na lamang

by Radyo La Verdad | May 11, 2016 (Wednesday) | 972

LTFRB
Hanggang ngayong araw na lamang ang special permit na ipinagkaloob ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga Public Utility Buses.

Mahigpit na magbabantay ang LTFRB sa mga bus na hindi susunod sa itinalagang araw na nakasaad sa special permit.

Ibig sabihin lahat ng mga PUB na babyahe bukas sa mga probinsya o sa mga ruta na hindi kasama sa prangkisa nito ay huhulihin ng LTFRB.

Matatandaan na inilabas ng ahensya ang special permit upang tugunan ang pangangailangan ng maraming kababayan nating umuwi sa kanilang probinsya para bumoto.

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

Tags: , ,