Labi ng lalaking hinihinalang si Reynaldo “Kulot” De Guzman, nailibing na

by Radyo La Verdad | September 14, 2017 (Thursday) | 343

Natuloy na kahapon ng umaga ang libing sa lalaking pinaniniwalaang si Reynaldo De Guzman alyas “Kulot” sa Pasig City Cemetery. Ito ay sa kabila ng resulta ng DNA test ng Philippine National Police kung saan sinasabing hindi ito ang katawan ng katorse anyos.

Hanggang sa huli ay nanindigan ang mga magulang ni Kulot na sina Eduardo Gabriel at Lina De Guzman na ang labi ay sa kanilang anak dahil sa wart o kulugo sa kaliwang tuhod nito at peklat sa leeg.

Ang katawan ay natagpuan sa isang ilog sa Gapan City, Nueva Ecija na tadtad ng saksak.  Mabilis na inilibing ang katawan dahil na rin sa banta sa seguridad ng pamilya.

Nasa poder na rin ng Witness Protection Program ang mga magulang ni Kulot.

 

Tags: , ,

Leave a Reply