Lalakeng naaksidente sa motorsiklo, magkatuwang na tinulungan ng UNTV News and Rescue at Iloilo City ERT

by Radyo La Verdad | November 7, 2018 (Wednesday) | 887

Sugatan ang isang lalaki matapos na mabangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa gutter ng center island ng kalsada sa Barangay Tabuc Suba, Jaro, Iloilo City bandang alas dos kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si allan mangilin, 18 taong gulang at residente ng Guzman, Manduriao, Iloilo City.

Ayon sa biktima, pauwi na sana siya habang minamaneho ang motosiklo nang hindi nito nakita ang kurbada ng daan kung kaya’t nabangga ito sa center island.

Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa noo, tuhod at talampakan.

Matapos malapatan ng first aid ay dinala na ng Iloilo City emergency response team ang biktima sa ospital kasama ang kaniyang mga kamag-anak.

 

( Vincent Octavio / UNTV Correspondent )

Tags: , ,