Lalaki na naaksidente sa motorsiklo sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | June 7, 2018 (Thursday) | 12427

Nakahiga sa basang kalsada ang lalaking ito matapos maaksidente sa motorsiklo sa barangay Tandang Sora, Mindanao Avenue sa Quezon City pasado alas quatro kaninang madaling araw.

Nakilala ang biktima na si Jayme Adan, 24 anyos, isang delivery boy at residente ng Taytay Rizal.

Ayon sa kasamahan nito na si Deejay Clemente, habang papunta sila sa trabaho sa Brgy. Talipapa ay dahan-dahan naman sila sa pagmamaneho dahil madulas ang kalsada nang biglang may tumawid na aso sa kanilang harapan.

Iniinda ni Adan ang pananakit ng kanyang balakang kaya hindi ito makabangon.

Agad nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team si Adan at dinala sa Quezon City General Hospital.

Muling paalala ng mga otoridad sa mga motorista na magdoble ingat sa pagmamaneho lalo’t umuulan at madulas ang kalsada

 

( Reynate Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,