Lalaki patay sa pamamaril sa Sta. Cruz, Manila

by Radyo La Verdad | May 26, 2016 (Thursday) | 2560

patay-02
Dead on the spot ang isang lalaking matapos barilin ng hindi pa nakikilalang gunman sa San Lazaro Corner Oroqueta Street Sta Cruz Manila pasado alas onse kagabi.

Nagtamo ng tama ng dipa matukoy na kalibre ng baril ang biktima na kinilalang si Hernani Hicban 28 anyos nagtatrabaho bilang mekaniko ng motorsiklo.

Ayon sa kinakasama ng biktima, madalas na inaabot ng hating gabi si Hicban sa pagkukumpuni ng mga motorsiklo upang kumita ng pera para matustusan ang kanilang pangangailangan lalo pat may tatlong buwang gulang na silang anak, matino at walang nakakaaway kaya wala siyang maisip na sapat na dahilan para patayin ang kanyang asawa.

Ayon naman sa security guard ng isang establisiymento na malapit sa crime scene, nakarinig siya ng isang putok ng baril at tinggnan siya kung san nanggaling ang putok dalawang lalaki ang sumakay ng motorsiklo at mabilis na tumakas.

Bigo siyang makuha ang plate number ng motorsiklo at pagkakakilanlan ng mga suspek.

Sinabi naman ng opisyal ng barangay na madalas inirereklamo ng mga kapitbahay si Hicban dahil sa ingay sa pagkukumpuni ng motor kapag dis oras na ng gabi.

Iniimbestighan sa ngayon ng mga otoridad kung sino ang salarin at ano ang motibo sa krimen.

(Benedict Galazan/UNTV NEWS)

Tags: ,