Lalaking biktima ng hit and run sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | June 8, 2016 (Wednesday) | 1356

REYNANTE_TMBB
Namimilipit pa sa sakit habang nakahiga sa center island ng datnan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaki na biktima ng hit and run sa Northbound ng EDSA Munoz, Barangay Ramon Magsaysay sa Quezon City kagabi.

Nagtamo ng mga galos sa siko at paa ang biktima na si Ferdinand Alipio, 29 anyos at idinadaing din nito ang pananakit ng kanyang balakang.

Ayon sa inisyal na ulat Quezon City Traffic Sector 6 binabaybay ng nakamotorsiklong biktima ang EDSA Muñoz bandang alas diyes kuarentay singko kagabi nang mabangga ito sa SUV na bigla umanong nag-u turn.

Agad na nilapatan ng pang unang lunas ng UNTV News and Rescue ang mga sugat ng biktima at saka nilagay sa backboard at isinugod sa Valenzuela Medical Center.

Iniimbestigahan na ng traffic sector ang pangyayari at inaalam na rin nila kung may cctv sa lugar para malaman kung sino ang nakahit and run sa biktima.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,