Lalaking biktima ng motorcycle accident sa Bacolod City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | September 14, 2018 (Friday) | 1011

Bukol sa noo at gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng lalaking ito matapos matumba sa kaniyang minamanehong motorsiklo sa barangay 35 sa Bacolod City, kaninang alas 12:35 ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si George Del Rosario, 51 taong gulang at residente ng Bacolod City.

Ayon sa biktima, galing ito sa inuman at pauwi na sana habang minamaneho ang kaniyang motorsiklo nang biglang may tumawid na aso sa daan. Iniwasan niya ito na naging dahilan ng pagkawala ng kaniyang balanse at natumba.

Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team si Del Rosario na tumanggi nang magpahatid pa sa ospital.

Payo ng mga otoridad, upang maiwasan ang mga aksidente sa kalsada, laging maging alerto sa paligid at huwag uminom ng alak, lalo na kung mag mamaneho ng sasakyan.

 

( Vincent Arboleda / UNTV Correspondent )

Tags: , ,