Lalaking naaksidente sa motorsiklo Bacolod City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | February 21, 2017 (Tuesday) | 1770


Duguan ang tuhod at nakaupo sa gilid ng kalsada nang datnan ng UNTV News and Rescue Team ang trenta’y syete anyos na si Julius Perez.

Naaksidente ang minamaneho niyang motorsiklo sa Banago Port, Bacolod City pasado alas onse kagabi.

Wala namang tinamong pinsala ang dalawang angkas ni Perez.

Ayon sa biktima, binabagtas nila ang kalsada sa port area nang bigla umanong may mahulog na bote sa nakaparadang truck.

Iniwasan nila ang nabasag na bote kaya sila naaksidente.

Agad nilapatan ng first aid ng UNTV Rescue si Perez at saka isinugod sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,