Lalaking naaksidente sa motorsiklo, nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News Rescue Team

by Radyo La Verdad | September 20, 2017 (Wednesday) | 1533

Nahihilo at hindi makausap ng maayos ang lalaking ito matapos maaksidente sa minamanehong motorsiklo sa underpass sa may Quezon Ave., corner Edsa kaninang alas tres y medya ng madaling araw. Kinilala ang biktima na si Arnel Benicio Damasco, 32 años.

Mabilis na nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang biktima na nagtamo ng sugat sa mukha at iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa mga otoridad walang malay at amoy alak nang matagpuan nila si Damasco. Hindi naman masabi ni Damasco kung nabangga ba siya o nawalan ng kontrol sa manibela kaya siya sumemplang.

Agad namang isinugod sa East Avenue Medical Center ang biktima para sa karagdagang atensyong medikal.

 

( Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,