Mahigit P5 M na premyo ipinagkaloob sa 4th UNTV Rescue Summit

by Erika Endraca | April 29, 2019 (Monday) | 7487

Marikina, Philippines – Itinanghal na kampeon sa emergency race ng fourth UNTV Rescue Summit ang first timer na kalahok na rescue team ng Camarines Sur.

Siyam na rescue teams, mula sa walong probinsya ang nagpakitang gilas ng kanilang kakayahan sa 4th untv rescue summit.

Tampok doon ang emergency race kung saan nagtagisan ng galing ang siyam na rescue groups sa pagsagip ng buhay.

Kabilang na ang mga provincial disaster risk reduction and management office ng Palawan, Ilocos Sur, Camarines Sur, Laguna, Bulacan, Nueva Vizcaya, Cagayan at City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Balanga Bataan, at San Pedro Laguna.

Bago ang final round ng kompetisyon, isang preliminary round ang idinaos sa Marikina Sports Center

Iba’t ibang pagsubok ang hinarap ng siyam na rescue teams, lahat ng iyon  ay senaryo ng isang kalamidad at sakuna.

Bawat koponan ay nabigyan ng puntos base sa kung gaano nila kabilis natapos ang mga pagsubok

Mas kinasabikan naman ang final round ng emergency race dahil inilihim sa lahat ng rescue teams ang gagawin sa round na iyon.

Ang senaryo,isang 7.2 magnitude na earthquake ang tumama sa Metro Manila at isa ang tulay ng Marikina sa nasira ng lindol

Ang challenge sa pamamagitan ng  seven man team, kailangang itawid ng ligtas ang isang pasyente sa ilog sa pamamagitan ng high angle rescue, obstacle, maze, at high angle rescue gamit ang traversing line lahat ay dapat magawa sa loob lamang ng 45 minutes

Ang Marikina City Rescue na host ng summit katulong ang untv rescue ang siyang nag konsepto ng mga pagsubok.

Samantala, matapos ma-compute ang mga puntos, itinanghal na kampeon sa emergency race ang Camarines Sur Rescue Team na tumanggap ng 2  Million pesos.

Second place ang Nueva Vizcaya na nagkamit ng 1.5 Million pesos, 3rd place naman ang Balanga Bataan Rescue Team na nakakuha ng 1 Million pesos

Hindi naman umuwing luhaan ang ibang team dahil nakatanggap ng 500 thousand pesos ang 4th placer na Laguna Rescue Team, 100 thousand pesos ang Ilocos Sur na nasa 5th place at Cagayan Rescue teamsa 6th place at tig 50 thousand pesos naman ang San Pedro Laguna, Palawan at Bulacan rescue team.

Naniniwala naman ang UNTV na bukod sa premyo, mas mahalaga sa mga rescue team ang pagsagip ng buhay ng mga nangangailangan ng tulong.

(Mon Jocson | Untv News)


Tags: ,