Lalaking naaksidente sa motorsiklo sa Dasmariñas, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | November 30, 2018 (Friday) | 1567

Nakaupo pa sa gilid ng kalsada nang madatnan ng UNTV News & Rescue Team ang isang lalaking naaksidente sa motorsiklo sa may Emilio Aguinaldo Highway, Barangay Salitran 2, Dasmariñas City pasado ala una kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na sina Christian Corsigo, 33 anyos.

Nagtamo ng mga gasgas sa likurang bahagi ng ulo at kaliwang binti si Corsigo na kaagad namang nilapatan ng paunang lunas ng grupo.

Wala naman tinamong sugat ang angkas nito na si Ulyses Torres.

Ayon kay Corsigo, papauwi na sila sa Alfonso, Cavite nang bumangga sila sa likurang bahagi ng isang pampasaherong jeep na kanilang sinusundan dahil bigla umano itong nagpreno.

Matapos malapatan ng paunang lunas si Corsigo ay tumanggi na siyang magpadala sa ospital.

 

( Benedict Samson / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,