Lalaking nabangga ng van sa Quirino Highway, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | September 6, 2017 (Wednesday) | 2734

Sa paglilibot ng UNTV News and Rescue Team sa kahabaan ng Quirino Highway kaninang pasado alas dos ng madaling araw, naabutan ng grupo sa gitna ng kalsada ang isang lalaki na namimilipit at napapasigaw sa sakit dahil hindi maikilos ng biktimang si Rumen Dela Merced, 43 anyos ang kanyang kanang binti dahil nabangga ito ng L300 van.

Agad inasses at nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue ang tinamong pinsala ni Rumen sa ulo at kanang binti.

Ayon sa driver ng van na nakabangga, binabagtas niya ang Eastbound lane ng Quirino Highway nang bigla umanong tumawid si Rumen.

Mayroon umanong riding in tandem na nagtangkang lumapit sa biktima kaya ito tumakbo sa kabilang kalsada.

Matapos bigyan ng first aid, dinala ng UNTV News and Rescue Team ang biktima sa East Avenue Medical Center kasama ng kanyang kaanak.

Dinala naman ang driver ng van sa Traffic Sector 2 at nangakong panagutan ang aksidente.

 

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,