Lapinig Municipal Police Station sa Northern Samar, sinalakay ng NPA

by Radyo La Verdad | August 10, 2018 (Friday) | 227

Sinalakay ng tinatayang 100 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang Lapinig Municipal Police Station sa Northern Samar kaninang 1:44 ng madaling araw.

Sa ulat na nakarating sa Kampo Crame, ang mga sumalakay na rebelde ay armado ng high powered firearms kabilang ang Uzi, K3 submachine guns, M16, M14, at M203.

Tumagal ng 15 minuto ang palitan ng putok.

Dalawang pulis ang sugatan na kinilalang sina PO2 Jerry Quilecol at PO1 Edizon Aguere, habang dalawang pulis din ang nawawala matapos ang nangyaring bakbakan.

Kinilala ang mga ito na sina PInsp. Noli Montibon at PO2 Mark Mejedo.

Tags: , ,