LGU magbibigay ng 200,000 pisong reward money sa makapagtuturo sa suspect sa pagpatay sa mag-ina sa Sta. Rosa

by Radyo La Verdad | March 4, 2016 (Friday) | 1492

SHERWIN_MACLANG
Pinaghahanap na ngayon ng Sta.Rosa City Police ang mga suspect sa pagnanakaw at pagpatay sa isang taon at sampung buwang batang lalaki nito sa Phase 1, Celina Plains Subdivision Barangay Labas Sta.Rosa City, Laguna kahapon.

Kinilala ng mga otoridad ang mga suspect na si David Dela Cruz at isang alyas John Doe na kapwa maintenance specialist ng isang sikat na telecommunications company matapos umanong ituro ng tatlong saksi na huling lumabas sa mga bahay ng biktima.

Ayon sa Sta.Rosa Police hindi nakikipagtulungan sa kanila ang telco company upang mahanap si Dela Cruz na kanilang empleyado base na rin sa identification card ng suspect na nakuhanan ng picture ng biktima.

Naipadala ng biktima sa cellphone ng kaniyang asawa ang larawan ng suspek.

Nagalok na ng dalawandaang libong pisong pabuya ang lokal ng pamahalaan ng Sta.Rosa sa sinomang makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspect.

Nanatili pa rin sa Intensive Care Unit sa ospital ang biktimang si Pearl Helen Bon Sta.Ana, 27 anyos ang ina ng namatay na bata matapos magtamo ng sugat sa ulo bunsod ng pagpukpok ng martilyo.

Ngayong araw nakatakdang sampahan ng sta rosa police ang mga suspect ng kasong robbery with homicide.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,