Libreng bakunahan ng primary series ng COVID-19 vaccine, tapos na ayon sa DOH

by Radyo La Verdad | September 6, 2023 (Wednesday) | 6997

METRO MANILA – Inihayag ng Department of Health (DOH) na paubos na ang monovalent vaccines para sa COVID-19 sa Pilipinas.

Hindi na muna rin bibili ang kagawaran ng karagdagang doses ng COVID-19 vaccines.

Nangangahulugan ito na tapos na ang libreng bakunahan ng primary series.

Sariling gastos na ang pagpapabakuna kung hindi maililibre ng lokal na pamahalaan o kayaý walang donasyon mula sa isang private organization.

Tags: ,