Libreng Sakay Bus ng UNTV at MCGI, muling nagbigay serbisyo sa mga apektado ng ikalawang araw ng transport strike

by Radyo La Verdad | October 17, 2017 (Tuesday) | 2726

Umaarangkada pa rin ngayong araw ang UNTV Libreng Sakay Bus para magbigay ng serbisyo sa mga kababayan nating pauwi ngayong ikalawang araw ng transport strike ng grupong PISTON.

Nag-extend ng oras ang Libreng Sakay Bus ng UNTV mula kahapon upang magbigay ayuda sa mga pasaherong maaabala ng strike.

Kahapon ay halos limandaang kababayan natin ang naisakay ng UNTV bus.

Samantala, mula alas kwatro ng umaga kanina ay nagsimula na itong magsakay ng mga pasahero sa Monumento papuntang Baclaran. Kasabay nito ay nagpamigay pa ng libreng almusal, biblia at may free wi-fi.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga pasahero sa kanilang natipid na pasahe ngayong araw.

Ang libreng sakay ng UNTV, katuwang ng Members Church of God International o MCGI ay mula Lunes hanggang Biyernes mula Monumento hanggang Baclaran vice versa.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,