Nationwide Transport Strike, itutuloy ng ilang transport groups sa Lunes, April 15

by Radyo La Verdad | April 12, 2024 (Friday) | 1003

METRO MANILA – Inanunsyo ng ilang transport group na muli silang magsasagawa ng nationwide na transport strike sa darating na Lunes April 15.

Ayon sa mga transport group na Manibela at Piston, 2 araw silang magsasagawa ng tigil pasada habang ang natitirang araw ng Abril ay gugulin sa pagsasagawa ng mga programa at kilos protesta upang tutulan ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Nanindigan naman ang mga ito na bibyahe pa rin sila pagkatapos ng deadline ng franchise consolidation sa April 30.

Tags: , ,