LRT-1 at MRT-3, may pinaigsing holiday schedule

by Radyo La Verdad | December 21, 2017 (Thursday) | 2948

Inilabas na ng LRT Line 1 at MRT Line 3 ang mga bagong schedule nito sa paparating na mahabang holiday.

Magsisimula ang operasyon ng LRT 1 sa December 24 mula alas kuatro y medya ng madaling araw hanggang alas otso ng gabi.

Sa December 31 naman magsisimula ang operasyon sa ganap na alas 4:30 ng madaling araw hanggang alas 7:00 ng gabi para bigyang-daan ang pagpapalit ng taon.

Normal ang operasyon  ng LRT 1 sa December 25, 2017 at January 1, 2018 mula alas 4:30 ng madaling araw hanggang alas 9:50 ng gabi.

Sa December 24 at 31  naman magsisimula ang operasyon ng MRT 3 sa ganap na alas 4:45 ng madaling araw hanggang alas 8:26 ng  gabi. Sa December 25 at January 1, magsisimula ang operasyon nito sa ganap na alas 6:30 ng umaga hanggang alas 9:50 ng gabi at sa December 30, alas 4:45 ng madaling araw  hanggang  alas 9:50 ng gabi.

Wala pang inilalabas na schedule ang LRT 2 management.

Tags: , ,