LTFRB at DOLE, magbibigay ng libreng livelihood seminar at job fair, sa Angkas drivers

by Radyo La Verdad | November 17, 2017 (Friday) | 1588

Magsasagawa ng job fair at libreng livelihood seminar ang Land Transportation Franchsing and Regulatory Board at ang Department of Labor and Employment para sa lahat ng Angkas driver, matapos na ipatigil ng LTFRB ang operasyon nito.

Nakipagpulong ngayong araw ang LTFRB sa DOLE upang pag-usapan ang pagbibigay ng alternatibong mapagkakakitaan ng mga motorcyle driver na dating miyembro ng Angkas.

Isasagawa ang job fair at livelihood seminar sa December 13 sa compound ng LTFRB sa East Avenue Quezon City .

Ilan sa mga trabaho na posibleng ialok sa mga ito ang food delivery, courier services at iba pa.

 

Tags: , ,

Leave a Reply