LTFRB, inaprubahan na rin ang pisong dagdag pasahe sa mga bus

by Radyo La Verdad | October 18, 2018 (Thursday) | 10167

Matapos aprubahan ang paniningil ng sampung pisong minimum na pasahe sa mga jeep. Pinayagan na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga pampasaherong bus na magpatupad ng pisong dagdag pasahe.

Ibig sabihin, ang dating sampung pisong pasahe sa nga ordinary bus ay magiging onse pesos na. Habang ang mga aircon buses naman na naninigil ng dose pesos ay magiging thirteen pesos na.

Bukod sa pisong dagdag sa minimum na pasahe sa bus, pinahintulutan rin ang mga ito na magdagdag ng 15 sentimos sa kada susunod na kilometro ng biyahe.

 

Tags: , ,